INIUTOS ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson sa mga regional at district directors ng ahensya na tiyakin na walang nakaharang sa mga lansangan simula ngayon, Abril 13 hanggang sa Sabado, Abril 19.
Ito ay upang makaiwas sa mabigat na trapiko lalo’t inaasahan ang pagdagsa ng mga sasakyan at mga pasahero na uuwi ng probinsya ngayong Semana Santa.
Kasabay nito, sinabi ni Singson na kailangang magsagawa ang mga opisyal ng road checks at tiyaking may mga nakalagay na directional signs sa daan.
The post Harang sa mga kalsada alisin – DPWH appeared first on Remate.