HINIMOK ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga katoliko na makiisa sa Meat Free Friday.
Ayon kay Villegas, ang tunay na kahulugan ng Meat Free Friday ay pagiging makatao dahil ang hindi pagkain ng karne tuwing Biyernes ay hindi lamang pansariling pag-aayuno kundi higit sa lahat ang pagtulong sa kapwa.
Anang arsobispo, ang pag-aayuno ay mensahe na dapat dagdagan ang pagmamahal, pagmamalasakit sa kapwa at kalikasan.
Nabatid na ang Meat Free Friday ay pormal na ilulunsad sa Abril 18, Biyernes Santo.
The post Makiisa sa Meat Free Friday -CBCP appeared first on Remate.