NAGBIGAY ng tatlong araw na deadline ang hepe ng Philippine National Police (PNP)-Cavite sa kanyang mga tauhan para makakuha ng ebidensya at impormasyon para sa ikadarakip ng suspek sa pagpatay kay Rubie Garcia, reporter ng Remate.
Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquievel, 200 pulis na ang kanyang ipinakalat para matunton ang suspek.
Tiniyak ni Esquivel na magiging maingat sila sa kanilang mga kilos upang maiwasan ang pagkakamali.
Sa ngayon, dalawang anggulo pa rin ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa mamamahayag, una ay ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at dating hepe ng Tanza PNP na si Senior Supt. Conrad Villanueva at pangalawa ay may kaugnayan sa lending business ng biktima.
The post 3 araw ultimatum ng PNP para madakip ang pumatay sa Remate reporter appeared first on Remate.