NAGHAIN ang kampo nila Deniece Cornejo at Cedric Lee ng motion for probable cause sa korte.
Sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Howard Calleja, umapela sina Cornejo, Lee at iba pang indibidwal na nahaharap sa kasong serious illegal detention sa Taguig Regional Trial Court o RTC.
Samantala, siniguro naman ni Atty. Calleja na nasa Pilipinas pa ang kanyang mga kliyente.
Itinakda na sa Abril 15, 2014 ang unang pagdinig sa kasong serious illegal detention ni Vhong Navarro laban sa negosyanteng si Lee at modelong si Cornejo.
Ayon sa anunsyo ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271, ala-1:30 ng hapon ang magiging hearing, na inaasahan ang pagharap ng mga isinasangkot na personalidad.
Naghain ang kampo ni Lee ng judicial motion for the determination of probable cause ngunit ibinalik ito dahil sa ilang technical issues.
Pero bago nagsara ang korte ay naihabol pa ang pag-refile ng mosyon.
Sinasabing nabigyan na rin ng kopya ng naturang mosyon ang kampo ni Navarro sa pamamagitan ni Atty. Alma Mallonga.
The post Cornejo, et al. naghain ng mosyon sa Taguig RTC appeared first on Remate.