UMAKYAT na sa 10 Abu Sayyaf habang dalawa sa sundalo ang namatay sa patuloy na sagupaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Tipo-Tipo, Basilan.
Kabilang sa mga napatay ay isang tauhan ni ASG leader Furuji Indama habang dalawa naman ang kinilalang sina Assi Kallitot at Basri Musa, mga tauhan ni ASG Commander Isnilon Hapilon.
Sa pagkumpirma naman ng 104th Brigade ng Philippine Army (PA), alas-2:00 ng madaling-araw nang makasagupa ng mga sundalo ang grupo ni Indama na tumagal nang halos isang oras.
Alas-7:45 ng umaga kanina nang muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng 18th Infantry Battalion (IB) habang nagsasagawa ng blocking position sa Barangay Baguindan na ikinamatay ng dalawang sundalo.
The post UPDATE: 10 ASG, 2 sundalo lagas sa bakbakan appeared first on Remate.