KINASUHAN na ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero.
Umaabot sa P1 milyon ang hinihinging danyos ng Slimmers World International kay Cabañero matapos pangalanan nito ang organisasyon at Miss Bikini Philippines sa kanyang reklamo sa sinasabing panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.
Matatandaan na sa inihaing kaso ni Cabañero sa Makati Regional Trial Court (RTC) ay nakasaad sa kanyang affidavit ang Miss Bikini Philippines at SWI na sinasabing nakasisira sa imahe ng organisasyon.
Si Cabañero ang ikalawang babaeng nagsampa ng kasong rape kay Navarro una ang modelong si Deniece Cornejo.
The post Roxanne Cabañero kinasuhan ng Miss Bikini Philippines organizer appeared first on Remate.