Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Datu kampeon sa Rapid Chess

$
0
0
KINABIG ng apat na Pinoy woodpushers ang 2nd IWICA International Rapid Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand kahapon.
Kumambiyo ng pitong puntos matapos ang ninth at final round sina IM Idelfonso Datu, FM Deniel Causo, Ryan Dungca at Ric Portugalera upang kabigin ang 1st to fourth place.
Tinanghal na kampeon si No. 1 seed Datu, (elo 2459) matapos ipatupad ang tie-break points.
Napunta kay ranked No. 5 Causo (elo 2344) ang second place habang third at fourth place ang posisyon nina Dungca (elo 2149) at Portugalera (elo 2170) ayon sa pagkakasunod.
Sa last round, nakipaghatian ng puntos sina Datu at Dungca kina FM Kojima Shinya (elo 2384) ng Japan at Indian IM Lahiri Atanu (elo 2311) habang kinaldag nina Portugalera at Causo sina Pinoy chesser Nouri Hamed (elo 2355) at FM Vaingorten Yaagov (elo 2289) ng Canada ayon sa pagkakahilera.
Pitong puntos din ang nalikom nina Kojima at Atanu subalit lumanding sa lang sa pang-lima at pang-anim na puwesto ayon sa pagkakasunod.
Mag-isa naman sa pang-pito ang isa pang Pinoy na si Jimson Bitoon na may 6.5 puntos matapos payukuin si Theemathas Chirananthavat (elo 2049) ng Thailand.
Samantala, may isa pang torneo ang uumpisahan sa nasabing bansa kaya naman ipagpapatuloy nina Dungca, Causo, Portugalera at Bitoon ang magandang laro nila sa nasabing sport.
Pero inaasahang dadaan sila sa butas ng karayom dahil mas matitindi ang makakalaban nila dito.
Ilalarga ang 14th Bangkok Chess Club Open 2014 kung saan ay tatlong super grandmasters ang kasali sa katauhan nina Francisco Pons Vallejo (elo 2693) ng Spain, Bartosz Socko (elo 2635) ng Poland at Jan Gustafsson (elo 2634) ng Germany.
Kasali rin ang matitikas na Pinoy GMs tulad nina reigning 19th Int’l Open Grandmaster Chess Tournament 2014 ruler Oliver Barbosa, John Paul Gomez Darwin Laylo at Asia’a first GM Eugene Torre.
Ranked No. 4 si Barbosa (elo 2580) sa tournament na uumpishan habang No. 6 at No. 8 seed sina Gomez (elo 2524) at Laylo (elo 2511).
Pang 19th ranked naman si Torre sa event na may nine rounds swiss system.

The post Datu kampeon sa Rapid Chess appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan