INAABISUHAN ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang lahat ng motorista na sa Linggo, Abril 13 mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi ay umiwas muna sa pagtahak sa mga sumusunod na kalsada sa Marikina: Sumulong Highway, Tangerine St., Aquamarine St., Russet St., Sapphire St., Lilac St., Gen. Ordonez St., East Drive St., Dao St., West Drive St., Liwasang Kalayaan St., Katipunan St., J. Molina St., 1st Ave., 5th St., at Gil Fernando Avenue.
Ito ay bunsod ng idaraos na Takbo Para sa Marikina Watershed DEL Run 3 na inoorganisa ng pamahalaang lungsod, Rotary Club of Marikina, at Running Coach Rio Dela Cruz ng Run Rio Inc.
Ang nasabing patakbo ay maaaring magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Humihiling po kami ng pang-unawa.
Maraming salamat po.
Paul Edward P. Sison
Chief
The post Abiso Marikenyo appeared first on Remate.