Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Suplay ng kuryente sa mga barangay sa Davao, maibabalik na

$
0
0

SA huling hibla ng 45 araw kahapon, Abril 11, ay napagtagumpayan na ng Department of Energy (DoE) ang deadline nitong maibalik ang suplay ng kuryente sa 25 barangay sa Davao Oriental matapos hambalusin ng bagyong Pablo noong nakaraang taon.

Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., batay sa report na isinumite ng National Electrification Administration (NEA), naibalik na ang suplay ng kuryente sa natitirang 25 barangays sa munisipalidad ng Cateel, Boston at Baganga sa Davao Oriental.

“Kung nagbabalik-tanaw tayo, ‘yung kautusan na ‘yon ay ibinigay noong pagdiriwang ng EDSA na ginanap noong February 24 sa Cateel noong nagtungo doon ang ating Pangulo. Ang commitment ni (Energy) Secretary (Carlos Jericho) Petilla ay ibinigay niya ilang araw lang ang nakalipas simula noon. Kaya kung magbibilang tayo ng araw mula February 24 hanggang sa kasalukuyan, (35) sa tingin ko ay umabot naman siya doon,” ayon kay Sec. Coloma.

Nagsumite aniya ng memo si Sec. Petilla kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa detalye ng action plan ng DoE.

Matatandaang caught unaware ang Pangulong Aquino nang ipabatid sa kanya ni Davao Oriental Governor Corazon Nuñez-Malanyaon na ang mahigit kalahati ng lalawigan nito ay nananatiling walang kuryente.

Bago pa bumisita ang Pangulong Aquino rito ay inaasahan na nito na ang rehabilitasyon kabilang na ang power restoration ay maituturing na “in full swing”  lalo pa’t mahigit isang taon nang nanalanta ang bagyo sa Compostela Valley, Davao Oriental, Agusan del Sur at Surigao del Sur provinces, na nagresulta ng pagkamatay ng mahigit 1,000 katao at pagkasira ng kabuhayan at kabahayan sa mga nasabing lalawigan.

The post Suplay ng kuryente sa mga barangay sa Davao, maibabalik na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>