Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Construction worker utas sa itinatayong Jazz Residences

$
0
0

TINANGKA umanong itago ng pamunuan ng Megawide Construction na pag-aari ng SM Development Corporation ang malagim na aksidente na ikinasawi ng isang construction worker sa itinatayong Jazz Residences sa Makati City.

Bagama’t inamin sa isang panayam ng isang imbestigador ng Makati police na may nag-iimbestigang tauhan ng Homicide Section kaugnay sa isang insidente sa Jazz Residences sa kanto ng Jupiter at N. Garcia Street sa Bel-Air Makati City, hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa bumabalik sa kanilang tanggapan ang dalawang imbestigador at wala pang naitatala sa blotter kaugnay sa nangyaring trahedya na naganap dakong alas-10 ng umaga kanina.

Ayon sa source, nasawi ang hindi pa matukoy na pangalan ng trabahador na kabilang sa mga tauhan ng Bagayas Construction na isa sa mga sub-contractor sa ginagawang condominium nang tamaan ng alimak elevator na sinasakyan ng mga construction worker paakyat sa itinatayong gusali.

Nasa labas umano ng Tower 3 ng itinatayong condominium ang biktima nang tamaan ng pababa namang alimak elevator na nagresulta sa pagkaipit ng ulo nito.

Sa kabila ng malagim na trahedya, nagawa umano ng Megawide Construction na linisin kaagad ang crime scene upang maitago sa media ang trahedya bago pa itawag sa kapulisan, kasabay ng pagpapatawag ng pagpupulong dakong ala-1 ng hapon sa mga trabahador upang pagbilinan na walang magsasalita kaugnay sa naturang insidente.

Nangangamba ang contractor ng naturang condominium na matigil ang pagtatayo sa oras na matuklasan ang nangyaring insidente lalu na’t masisilip ang kakulangan ng tamang gamit upang maging ligtas sa sakuna ang mga manggagawa.

Naging palaisipan din ang hindi pagresponde ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa insidente gayung may nasawi sa insidente.

Ayon pa sa source, nais palabasin ng Megawide Construction na hindi nasawi ang biktima upang hindi pagpiyestahan ng media ang kakulangan ng safety gear.

Idinugtong pa ng source na umaabot sa 35 ang mga sub-contractors na kinomisyon ng Megawide Construction sa pagtatayo ng naturang condominium kaya’t posibleng nagkaroon talaga ng kapabayaan kaya’t nangyari ang malagim na insidente.

The post Construction worker utas sa itinatayong Jazz Residences appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan