SUMULPOT sa Department of Justice ang provisional witness sa pork barrel fund scam na si Ruby Tuason.
Si Tuason ay mahigit isang buwan na nanatili sa Estados Unidos at kamakailan lamang dumating sa Pilipinas.
Sa kanyang pagdating sa DoJ, nakipagpulong si Tuason kay Undersecretary Jose Justiniano.
Ayon sa kanyang abugado na si Atty. Dennis Manalo, layunin ng pagpupulong nila sa DOJ na matalakay ang isinusulong na immunity para sa kanya kaugnay ng mga kasong isasampa sa hukuman dahil sa paglustay sa pork barrel fund.
Pero dahil si Tuason ay nasa ilalim ng WPP, tumanggi si Manalo na maglahad ng detalye ng napag-usapan sa pagpupulong.
Nakapaghain na si Tuason ng motion for reconsideration sa Tanggapan ng Ombudsman matapos irekomenda na isama siya sa mga sasampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan.
The post Ruby Tuason sumulpot na sa DoJ appeared first on Remate.