ISA na namang prangkisa ng bus ang pinatawan ng preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos masangkot ang isang bus nito sa aksidente.
Sa report, bumaliktad ang pampasaherong jeep at nasugatan ang pito nitong pasahero nang banggain ng Corimba Express sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, 30 araw ang suspensyon ng Corimba kung saan 16 na bus ng prangkisa ang apektado.
Binigyan naman ng ahensya ang kompanya ng 72-oras upang ipaliwanag ang kanilang panig.
Magkakaroon ng pagdinig sa kaso ng Corimba sa Abril 22.
The post 16 Corimba bus sinuspinde ng LTFRB appeared first on Remate.