NAKATAKDANG ihain bukas, Huwebes, ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang motion to intervene laban sa panibagong power rate hike na isinusulong ng Manila Electric Co. (Meralco) para sa mga buwan ng Abril, Mayo, Hunyo at Hulyo.
Ito ay kaugnay sa inanunsyo ng Meralco na pagtataas na P0.89/kWh.
Marapat lamang ayon sa kongresista na tuparin ng ERC ang mandato nitong magpatupad ng regulasyon sa imbestitasyon ng November-December increase.
Wala aniyang dahilan para sa mga susunod pang pagtaas ng singil.
Mukha aniyang wala ng ibang maisip na solusyon ang Meralco at ang Department of Energy (DOE) kungdi ang magtaas ng singil ng kuryente sa halip na maglatag ng mga pangmatagalang solusyon.
The post Dagdag singil ng Meralco haharangin muli appeared first on Remate.