NALITSON nang wala sa oras ang may 21 alagang baboy nang masunog ang bahay at piggery sa Iloilo kaninang madaling-araw, Abril 9.
Unang lumiyab ang apoy sa isang bahay na pag-aari ni Rosalia Lingggaya sa may Barangay Maribong, Lambunao, Iloilo.
Pero dahil sa hindi agad pagresponde ng pamatay sunog ay nadamay ang piggery ng isang Melchor Enriquez na may 21 alagang baboy at nasa likod ng bahay ni Linggaya.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:35 ng madaling-araw sa bahay ni Linggaya sa Barangay Maribong, Lambunao, Iloilo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, sa linya ng kuryente nagmula ang apoy.
The post Piggery nasunog, 21 baboy nalitson appeared first on Remate.