NANAWAGAN ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na tipirin ang paggamit ng tubig.
Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, kahit siniguro ng mga water service provider na hindi kakapusin ang Metro Manila sa tubig ngayong tag-araw ay dapat pa rin tayong tumulong na huwag aksayahin ito.
Ani Paje, hindi man kapusin ang pangangailangan ng tubig sa mga kabahayan, posible namang maapektuhan ang mga factories at sakahan.
Ipinaalala rin ng kalihim na dapat ding sabayan ng tamang pagtatapon ng basura ang pagtitipid ng tubig.
Aniya, pagkatapos ng tag-araw ay darating ang tag-ulan at kung mali ang pagtatapon ng basura ay magiging problema ito sa panahon ng pagbaha.
The post Tubig tipirin ngayong Summer appeared first on Remate.