INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) ang pormal nang pagtatatag ng isang komite na mamamahala sa botohan para sa Bangsamoro Political Entity.
Sa kanyang Twitter account, inanunsyo ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang komisyon ng Bangsamoro Plebiscite Committee ay pamununuan ni Comelec Commissioner Al Pareño.
Una nang nagpahayag ng kahandaan ang Comelec sa pagdaraos ng plebisito o pagtukoy sa mga lugar na magiging sakop ng Bangsamoro Political Entity, kasunod nang paglagda ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng peace agreement.
Sakop ng plebisito ang mga lalawigan at siyudad na nasa ilalim ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Matapos ang plebisito, layunin din ng gobyerno na magtatag muna ng Bangsamoro Transition Authority o pansamantalang mga mamumuno sa 2015, bago ang aktwal na halalan sa 2016.
The post Komite para sa botohan sa Bangsamoro itinatag appeared first on Remate.