TUMAAS na sa 743 ang bilang ng mga naitalang gun ban violations ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kampanya ng pulisya at Commission on Elections (Comelec) para sa 2013 midterm election.
Pinakamaraming naitala sa National Capital Region (NCR).
Kabilang sa mga lumabag ay 663 sibilyan, 12 pulis, isang bombero at mga empleyado ng gobyerno mula sa isinagawang checkpoint.
Inaasahan namang tataas pa ang bilang hanggang sa mismong araw ng halalan.