NAGDULOT ng sobrang trapiko ang pagkakasunog ng isang luxury car sa harapan mismo ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Maynila.
Nabatid na ang sasakyan na kulay maroon at may plakang UBY 739 ay pag-aari ng isang Virgilio Costimianio, 61, Court Appeals (CA) employee.
Inaalam na ang sanhi ng pagkakasunog ng sasakyan, habang wala namang naitala na nasaktan sa insidente.