NAKATAKDA nang magbitiw bilang Santo Papa si Pope Benedict XVI.
Ayon sa Santo Papa, sa darating na Pebrero 28 ay tuluyan na siyang magre-resign.
Ayon sa Vatican, ang edad na mahigit 80 at kawalan ng sapat na lakas para magampanan ang kanyang tungkulin ang dahilan ni Pope Benedict para mag-resign.