HANDA na ang Department of Health (DOH) para sa implementasyon ng Reproductive Health (RH) Law.
Ito ang tiniyak ng DoH kasunod nang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang konstitusyonal ang naturang batas, maliban na lamang sa ilang probisyon nito.
Sa isang opisyal na pahayag ng DOH, sinabi nito na noon pa mang maipasa ang batas ay nakahanda na sila para maipatupad ito.
Itinuring rin ng DOH na isang malaking panalo para sa mga Family Planning advocates sa Pilipinas ang desisyon ng Korte Suprema.
Inirerespeto naman umano ng Health Department ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na ideklarang unconstitutional ang walong probisyon ng Saligang Batas.
Umapela rin ito sa pro at anti-RH na makipagtulungan sa kanila para matiyak na maayos ang magiging implementasyon ng batas.
Una nang sinabi ng Simbahang Katoliko, na pangunahing tumututol sa pagpapatupad ng naturang batas, na handa silang igalang ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa RH law.
The post DoH handa na sa RH Law appeared first on Remate.