Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Manila Cathedral bubuksan na mamayang alas-6 ng gabi

$
0
0

ANG pagbubukas sa publiko ng makasaysayang Manila Cathedral ay simbolo nang pagpapatibay ng turo ng Panginoon hinggil sa buhay.

Dakong 6:00 ng gabi mamaya ay pormal nang bubusan ang Manila Cathedral sa publiko.

Isang video presentation ang ipapakita sa cathedral hinggil sa dokumentasyon kung paano ginawa ang restorasyon nito sa loob ng dalawang taon.

Magsasagawa rin ng cultural program sa Plaza Roma na magwe-welcome sa mga tao bago ang Misa, na idadaos mamayang 6:30 ng gabi sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Magsasagawa rin ng special ceremony matapos ang Misa, kasama na ang pagsisindi ng 12 dedication candles at ang paglalagay ng 12 dedication crosses na sumisimbolo na ang Simbahang Katoliko ay itinatag ng 12 Apostles kung saan si Hesus ang namumuno.
Ang mahalagang okasyon ay dadaluhan mismo nina Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng kanyang mga kapatid.

Ayon kay Monsignor Nestor Cerbo, Rector ng Manila Cathedral, gaya nang paglaban sa Reproductive Health (RH) law, pagtitibayin ng Cathedral ang pagpapahalaga sa buhay.

The post Manila Cathedral bubuksan na mamayang alas-6 ng gabi appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>