PINASASAMPAHAN ng kasong criminal ng isang partylist congressman ang dating alternative medicine doctor ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkamatay ng isang Ateneo de Manila scholar noong nakaraang taon.
Sinabi ni OFW Family partylist Rep. Roy Seeres na maaaring arestuhin ng pulis si Antonia Park kapag natagpuang nanggagamot nang walang kaukulang lisensya.
Si Park na isang South Korean, ang sinisisi ng pamilya ng biktimang si Katherine Grace Tan sa pagkamatay nito.
Ayon kay Bernard Tan, ama ni Katherine na nasawi ang kanyang 23-taong gulang na anak matapos sumailalim sa embryonic stem cell therapy ni Park sa Green and Young Health and Wellness Center sa Tagaygay City.
Ani Tan, ang kanyang anak ay namatay dahil sa Hodgkin’s lymphoma sa kabila ng pangako ni Park na gagaling sa stem cell therapy sa loob ng tatlong buwan.
Subalit hindi aniya nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng kaniyang anak at ng konsultahin niya si Dr. Antonio Leachon, vice president ng Philippine College of Physicians ay sinabi nitong si Katherine ay “septic” na ang kalagayan.
Pinaiimbestigahan na rin ni Señeres ang operasyon ni Park dahil kung wala aniya itong lisensya ay hindi ito maaaring manggamot.
Pinaghahain din ng kongresista ng kasong kriminal laban kay Park ang pamilya Tan kapag may sapat silang ebidensya.
The post Ex-therapist ni GMA ipinaaaresto appeared first on Remate.