ISANG positibong development para sa Malakanyang ang naging posisyon ni Czech Ambassador Josef Rychtar na humarap at magsalita na sa congressional inquiry kaugnay sa tangkang pangingikil ng $30 million ng grupo ni Metro Rail Transit (MRT) general manager Al Vitangcol III sa Czech train coach builder Inekon Group noong July 2012.
Para kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, mabibigyang linaw na ang ilang bagay na hanggang ngayon ay palaisipan sa publiko.
Sa kabilang dako, wala namang ideya si usec. Valte kung bakit mas pinili ni Rychtar na maghayag ng kanyang saloobin sa isyung ito sa Kongreso sa halip na sa Department of Transportation and Communication (DoTC).
At sa isyu ng pag-waive ni Rychtar ng kanyang diplomatic immunity ay sinabi ni Usec. Valte na sariling desisyon ito ng ambassador.
The post Pagsasalita ni Ambassador Rychtar positive development sa Malakanyang appeared first on Remate.