Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tanza police chief na sabit sa pagpatay kay Rubie Garcia sinibak na

$
0
0

SINIBAK na sa puwesto ang chief of police ng Tanza, Cavite dahil sa pagkakasangkot sa pagpaslang sa radio-print reporter sa Bacoor, Cavite nitong nakaraang Linggo.

Ani PNP PIO C/Supt. Reuben Theodore Sindac, dahil sa pagkakadawit sa pangalan ni Supt. Villanueva sa pagpatay sa reporter na si Rubylita Garcia, kaya epektibo ngayong araw ay ni-relieve na ito sa kanyang puwesto.

Si P/Supt. Joseph Salom Javier naman ang agad na ipinalit kay Villanueva bilang officer-in-charge (OIC) ng Tanza Police Station.

Ang pagsibak kay Villanueva ay upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa kasong pagpatay kay Garcia upang maiwasan ang anomang pag-impluwensya ng nasabing opisyal sa imbestigasyon.

Si Cavite Police Provincial director S/Supt. Joselito Esquivel naman ang mamumuno sa binuong special investigation task group na tututok sa pagresolba sa kaso nang pinaslang na tabloid reporter.

Maalalang kinondena ni National Press Club (NPC) President at publisher ng Remate na si Benny Antiporda ang pagpaslang sa mismong reporter nitong si Rubie Garcia, 52.

Hiniling din ni Antiporda ang agarang pakikialam ni Pangulong Noynoy Aquino sa pagpatay kay Garcia.

The post Tanza police chief na sabit sa pagpatay kay Rubie Garcia sinibak na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>