KARAMIHAN sa mga Pinoy ay naniniwalang legal ang kontrobersyal na Reproductive Health Law.
Ito ang lumabas na resulta sa pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) mula Marso 27 hanggang Marso 30, 2014.
Ang resulta ng survey ay inanunsyo ng SWS sa isang pulong balitaan na idinaos sa Baguio.
Lumabas sa pag-aaral na 77 percent ng mga Filipino adult ang naniniwala na tumatalima sa Saligang Batas ang RH Law kaya nararapat lamang na payagan itong maipatupad ng Korte Suprema.
Lumalabas na 68 percent naman ang nagsabing batid nila ang RH Law at 72 percent ang pabor sa batas.
Samantala, 84 percent naman ang sang-ayon na dapat magbigay ng libreng reproductive health service ang gobyerno sa mga mahihirap na nais gumamit ng family planning method.
Ang survey na isinagawa sa buong bansa at may 1,200 na respondent ay kinomisyon ng The Forum for Family Planning and Development.
The post Pinoys naniniwalang legal ang RH Law -SWS appeared first on Remate.