Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Lalabag sa Anti-Colorum Act may kulong na

$
0
0

MULA anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo ang kahaharapin ng sinomang lalabag na operator o may-ari ng mga kolorum na Public Utility Vehicles (PUVs) sa ilalim ng Anti-Colorum Act.

Malaki ang paniwala ni ANGKLA Party-list Rep. Jesulito Manalo na isa sa posibleng dahilan ng maraming aksidente sa lansangan ay ang madalas na paglabag ng mga kolorum na pampasaherong sasakyan.

Nakapaloob sa House Bill 4086 o “Anti-Colorum Act,” na ang sinomang may-ari o operator ng kolorum na sasakyan ay maaaring makulong ng mula anim na buwan hanggang anim na taon.

Bukod pa rito ang multang ipapataw sa mga ito kung ang sasakyan nila ay Public utility bus, P1-million; UV Express, P200,000; Taxi, P125,000; at Public Utility Jeepney, P50,000.

Kukumpiskahin din ang lisensya ng driver na nagmamaneho ng kolorum na sasakyan at sususpendihin sa loob ng 12 buwan para sa unang opensa at pagbawi nang tuluyan sa ikalawang pagkakamali.

Kapag ang sasakyang ginamit na kolorum ay pribado, ang may-ari nito ay pagbabawalang kumuha o mag-operate ng anomang uri ng public land transportation.

The post Lalabag sa Anti-Colorum Act may kulong na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>