Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Scam pa nakalkal ng NBI

$
0
0

BUKOD sa third batch ng kaso kaugnay sa pork barrel scam, may isa pang reklamo na inihahanda ang National Bureau of Investigation na konektado rin sa paglustay ng pondo ng gobyerno.

Gayunman, tumanggi si Justice Secretary Leila de Lima na ihayag kung anong partikular na pondo ang kasama sa imbestigasyon ng NBI.

Pero pinulong na niya sina Justice Undersecretary Jose Justiniano, NBI Director Virgilio Mendez at NBI-Special Task Force Chief Assistant Reg’l Director Rolando Argabioso at nagsagawa ng imbentaryo kung aling mga kaso ang maaari nang sunod na maisampa sa Tanggapan ng Ombudsman.

Nuong nakalipas na taon, nauna nang tinukoy ni de Lima na hindi bababa sa tatlong kagawaran ang sangkot sa non-PDAF Fund na nalustay din ng mga NGO na konektado kay Janet Lim-Napoles.

Sangkot sa panibagong anomalya na ginamitan ni Napoles ng kaparehong estilo sa pork barrel scam ang pondo na inilaan para sa mga tinatawag na congressional insertions.

Kamakailan lamang din ay inilapit ni Atty. Levito Baligod ang tungkol sa anomalyang kinasasangkutan ng siyam na special fund na idinaan sa National Agri-business Corporation na nagkakahalaga ng 5.6 billion.

The post Scam pa nakalkal ng NBI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>