NAKUNTENTO sa draw si Gladys Haselle Romero upang manatiling mag-isa sa unahan matapos ang round 6 ng 2014 National Chess Championships – Elimination round Women’s division sa Philippine Sports Commission (PSC) Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila kagabi.
May total na 5.5 points si No. 10 seed Romero (elo 1905) matapos makipaghatian ng puntos kay Lucelle Bermudo habang magkasalo naman sa segundo puwesto sina Queenie Lynn Reyes at Janena Marie Regencia tangan ang tig-5 pts. sa event na ipinatutupaD ang nine rounds swiss system.
Binigo nina Reyes at Regencia sina Kris Angelique Melicano at top seed Arvie Lozano ayon sa pagkakasunod.
Kikilatisin ni Romero si No. 11 seed Reyes (elo 1887) habang kaharap ni ranked No. 12 Regencia (elo 1886) ang 4.5 pointer na si Bermundo (elo 1934).
Sa round 5, nasungkit na ni Romero ang solo first place ng kaldagin nito si Regencia.
“Sana po magtuloy-tuloy ‘yung magandang laro ko para mag-champion,” saad ni Romero.
Nag-aagawan sa pang-apat na puwesto sina Ynna Sophia Canape at Bermundo.
Anim na woodpushers naman ang nagsisiksikan sa sixth to 11th place kung saan kabilang doon ang No. 2 seed Enrica Villa (elo 1974).
Sa Open division, nagtala ng magkahiwalay na panalo sina Vince Angelo Medina Virgen Gil Ruaya upang magsalo sa top spot papasok ng seventh round.
Giniba ni ranked No. 5 Medina (elo 2143) si Jerome Villanueva habang pinayuko ni Ruaya si Nixon Curioso.
Masusubukan ang tikas ni Medina sa round seven dahil makakaharap niya ang top seed na si Prince Mark Aquino (elo 2195) habang kataktakan ng isip ni Ruaya si ranked No. 2 Jerry Areque.
The post Romero solo sa tuktok appeared first on Remate.