Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Alahas ng ginang nilimas ng 3 bisita ng pamangkin

$
0
0

PINAGHAHANAP ang tatlong lalaki matapos maglaho ang mga alahas ng ginang matapos makipag-inuman ang mga una sa pamangkin ng biktima sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City, Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Roger Caban, 34, ng Phase 7-C, Bagong Silang, Julius Romero, nasa hustong gulang ng Sta. Rita North, Tala at Rogelio Bello Jr., ng Phase 4-B, Bagong Silang pawang mga sekyu.

Sa pahayag ng biktimang si Charito Diadlo, 44, Huwebes ng umaga nang iwan niya sa kanilang bahay sa Spring Heights, Zabarte ng lungsod ang pamangkin na si Jason Macasu upang tumungo sa Bulacan.

Pagsapit ng hapon ay nagyaya ng inuman ng mga suspek si Macasu sa loob ng bahay ng biktima na pinaunlakan naman.

Pagsapit ng alas-2 ng madaling-araw kahapon ay lasing na nauna nang umalis si Caban at makalipas ang ilang sandali ay umalis na rin sina Romero at Bello.

Dahil dito, natulog na si Macasu at alas-7 ng umaga ay gumising upang maglinis hanggang mapansin na sapilitan nabuksan ang kandado sa kuwarto ng tiyahin na naging dahilan upang kontakin ang biktima.

Pag-uwi ay tiningnan agad ng biktima ang mga nakatagong alahas na aabot sa P1M subalit wala na sa pinaglagyan hanggang sa makita ni Macasu ang kanyang charger ng cellphone sa loob ng kuwarto ng tiyahin.

Pinahiram umano ito ni Macasu kina Caban at Bello at nang tawagan si Bello ng una ay hindi na makontak na naging dahilan upang isumbong sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino sa tatlong sekyu ang tumangay sa mga alahas ng ginang.

The post Alahas ng ginang nilimas ng 3 bisita ng pamangkin appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>