WALANG balak si Senador Jinggoy Estrada na humirit ng special detention facility sa oras na ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.
Ginawa ni Estrada ang pahayag sa harap ng panawagan na dapat ipiit sila ng kapwa-akusado na sina Juan Ponce Enrile at Bong Revilla Jr. sa isang regular na kulungan.
Binigyang diin ni Estrada na handa siyang tumalima sa anumang ipag-uutos ng korte sa kanyang kaso.
Kaugnay nito, muling nanindigan ang senador na wala rin siyang balak na maghain ng “leave of absence” sa Senado matapos irekomenda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa sa kanila ng kasong plunder, graft at corrupt practices.
Una nang inihirit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat mag-leave sa Senado ang tatlong senador na akusado sa pork barrel scam.
Siniguro rin ni Estrada sa mga kababayan na babalik siya ng bansa sa April 21 matapos ang bakasyon sa Amerika.
The post Jinggoy magpapakulong sa regular na kulungan appeared first on Remate.