PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na isa sa malaking contributor ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 ang kontrobersyal na si presidential elections ang Globe Asiatique Corporation founder and president Delfin Lee.
Hinamon ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ang mga kritiko ni Pangulong Aquino na silipin sa Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng contributors at donors ni Pangulong Aquino noong 2010 presidential elections.
Bukod dito, may nakabinbin ng kaso laban kay Lee kung saan hindi nila kailanman pinakialaman.
“We have never shied away from prosecuting anyone that has been charged. So, the DOJ, insofar as the government is concerned, will prosecute its case against Delfin Lee,” aniya pa rin.
Nauna rito, hindi nagustuhan ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chair Dante Jimenez ang pagkastigo ni Pangulong Benigno Aquino III kay Senior Supt. Conrad Capa, pinuno ng Task Force Tugis na nakahuli kay Lee.
Kumbinsido si Jimenez na ang galit ni Pangulong Aquino kay Capa ay dahil sa contributor ng Chief Executive noong 2010 presidential elections si Lee.
The post Delfin Lee, hindi contributor ni PNoy noong 2010 elections appeared first on Remate.