ISA pang babae na nagtatrabaho bilang double sa isang telenovela ang nagsampa ng kasong rape laban sa actor/comedian na si Ferdinand “Vhong” Navarro sa Quezon City Prosecutors Office kaninang umaga, Abril 4, 2014.
Sa apat na pahinang reklamo ng complainant, naganap ang panghahalay sa kanya sa loob ng sports utility vehicle ni Navarro (SUV) ilang linggo habang nagaganap ang taping ng telenovela nitong nakalipas na 2009.
Ayon sa reklamo ng complainant, sinabi umano sa kanya ng driver ng actor na pumasok siya sa loob ng SUV na sasakyan ni Navarro dahil nais siyang kausapin ng aktor habang break pa ng taping.
Nabatid pa sa complainant na habang nasa loob siya ng sasakyan ay pinuwersa siya ng actor na magsagawa ng oral sex sa huli.
Idinagdag pa ng complainant na nag-masturbate sa kanyang harap si Navarro at pinagbantaan na kakagatin ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Hindi pa nagkasya ang actor at ipinasok pa nito ang kanyang kamay sa loob ng short ng biktima at ipinasok ang kanyang daliri sa ari ng complainant.
Hindi umano binanggit ng complainant sa ibang tao ang nangyari sa kanya dahil sa takot at kahihiyan sa sarili.
Makalipas ang ilang araw na ipagtapat lamang ng complainant ang nangyari sa kanyang panghahalay sa kanyang matalik na kaibigan.
Ngayon lamang nakapagharap ng reklamo ang complainant laban sa actor dahil nahikayat siya sa iba pang kababaihan na nagsampa ng kaso laban sa aktor.
The post Kasong rape pa vs Vhong Navarro ikinasa appeared first on Remate.