STO. TOMAS, LA UNION – Isang anim na taong gulang na bata ang napisak matapos durugin ng rumaragasang trak sa national highway sa Barangay Patac, Sto. Tomas, La Union.
Dead-on-arrival sa La Union Medical Center si Ronald Casbadillo, ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, iniwan ng ina ng biktima na si Emma Casbadillo sa gilid ng national highway ang bata noong Huwebes ng gabi para bumili ng ulam.
Lingid sa kaalaman ng ina, tumawid ang bata sa kalsada na siya namang pagdaan ng trak.
Hindi napansin ng truck driver ang bata kung kaya’t nasapol ito.
Agad na tumakas ang driver nang makita ang bata na nakahandusay na sa gitna ng kalsada.
The post 6-anyos pisak sa trak sa La Union appeared first on Remate.