PINAG-IINGAT pa rin ng Philippine Embassy sa Thailand ang mga Pinoy dahil sa patuloy na political protest doon.
Ito’y kahit pa inalis na ang babala sa ilang kritikal na lugar kabilang ang Bangkok, Nonthaburi at Lad Lum.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pinaiiwas ang mga Pinoy sa matataong lugar lalo na sa mga lugar na pinagdarausan ng mga kilos-protesta.
Pinayuhan naman ng embahada ang mga Pinoy na huwag magpakita ng suporta sa anomang partido.
Dapat din anilang maging mapagmatyag ang mga ito at agad makipag-ugnayan sa embahada sa oras ng emergency.
Enero nang itaas ng DFA ang alert level 2 sa Bangkok dahil sa umiigting na tensyon dulot ng mga demonstrasyon na layong palitan ang gobyernong pinamumunuan ni Prime Minister Yingluck Shinawatra na umano’y kinokontrol ng kapatid nitong si Thaksin Shinawatra, ang napatalsik na dating prime minister ng Thailand.
The post OFWs sa Thailand pinag-iingat ng DFA appeared first on Remate.