HINDI lamang lima, kundi pinangangambahang mas dumami pa ang bilang ng mamamatay sanhi ng pagkain ng kontaminado o nabubulok na karne ng kabayo sa Sultan Kudarat, ayon sa ulat kaninang umaga ng isang lokal na opisyal.
Hindi naman pinangalanan ang mga biktima na nalason sa karne ng kabayo at sa kasalukuyan ay hinahanap pa ng provincial hearth officers ang may 60 pang katao na kumain din ng kontaminadong karne ng hayup.
Ayon kay Henry Albano, ang social welfare officer sa probinsya, paniwala ng mga residente na nakakain ng damo na diniligan ng pesticide ang mga namatay na kabayo.
Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay kinatay aniya ng mga may-ari ang kanilang alagang kabayo noong Marso 25 at ang karne nito ay ipinamigay sa mga residente ng Sultan Kudarat town.
Marami aniya ang nahilo matapos kumain ng naturang karne. Sa katunayan, isa sa biktima ay ang may-ari ng kabayo.
Bibihirang kinakain ang karne ng kabayo sa Pilipinas pero sa mga taong nasa impoverished rural areas ay karaniwang kumakain ng karne ng dagang bukid at palaka.
The post 5 utas sa karne ng kabayo appeared first on Remate.