Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Heat sinilaban ang Bucks

$
0
0

MAY mga nararamdamang sakit si basketball superstar LeBron James at hindi magandang balita ito para sa Miami Heat fans lalo na ngayong malapit na ang playoffs.

Subalit nagpakita pa rin ng mga highlights dunks si James para pasayahin ang mga fans matapos ang 96-77 panalo ng Heat kontra Milwaukee Bucks kaninang umaga sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association (NBA) regular season.

”If I feel like I can give something, I’ve got to be out there for my teammates,” wika ni four-time NBA MVP James. ”It’s my obligation to be out there for them. I’m dealing with a few things, but for me to sit out, I have to be dealing with a lot more.”

Kumana si James ng 17 puntos, walong assists at apat na rebounds upang ilista ang 52-22 win-loss slate at manatiling nasa unahan ng Eastern Conference.

Nag-ambag si Chris Bosh ng 15 points at 14 pts. naman ang nilista ni guard Mario Chalmers para sa two-time defending champions Heat.

”I like our effort,” ani Bosh. ”We just have to take care of business and do what we’re supposed to do.”

Kahit wala ang ibang key players gaya nina 2006 finals MVP Dwyane Wade, former three-point shootout king Ray Allen at 2007 1st round first pick Greg Oden ay nahawakan ng Heat ang bandera mula umpisa hanggang matapos.

”As we wind this thing down with seven games to go, the thing I want is see them compete,” saad ni Bucks coach Larry Drew. ”We’re dealing with adverse times. This is really a good time to see what guys are truly made of.”

Si point guard Ramon Sessions ang nanguna para sa Bucks matapos magtala ng 19 markers at anim na assists.

Samantala, sumampa sa pang-walong puwesto sa EC ang New York Knicks matapos kaldagin ang Brooklyn Nets 110-81.

Sa ibang resulta, patuloy ang pagiging NBA’s best record ng San Antonio Spurs.

Pinisak ng Western Conference defending champions Spurs ang Golden State Warriors, 111-90, upang itarak ang 59-16 record.

Nasa pangalawang puwesto sa NBA overall ang Oklahoma City Thunder na may 54-19 kartada.

The post Heat sinilaban ang Bucks appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>