SINIBAK na sa pwesto ang Vice Mayor ng Majayjay, Laguna habang 5 iba pa kabilang ang isang dating alkalde ang hindi na puwedeng humawak ng anumang government posisyon.
Batay sa ulat, napatunayang guilty ang mga nabanggit na opisyal sa kasong grave misconduct dahil sa ma-anomalyang water supply project na pinasok ng Local Government Unit o LGU ng Majayjay noong 2012.
Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagbaba sa pwesto ni Vice Mayor Lauro Mentilla na pinalitan ni municipal first councilor Valeriano Vito.
Diskwalipikado naman na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno sina Teofilo Guera, ang alkalde ng Majayjay noong pasukin ng LGU ang proyekto; Ana Linda Rosas, dating Vice Mayor.
Council members na sina Mauro Aragon, Juancho Andaya, Antonio Zornosa Jr., Mario Mercolisa Jr., Jovanie Ann Esquillo at Bernardo de Villa.
Awtomatiko ring kabilang si Mentilla sa mga diskwalipikado dahil isa siya sa mga council members noong magkaroon ng kontrata.
Ayon kay Lionel Dalope, head ng Department of the Interior and Local Government sa Laguna, nakipag-transaksyon ang municipal government sa private firm na Israel Builder and Development Corporation o IBDC noong december 2012.
Ito’y upang suplayan ng tubig ang Majayjay at mga karatig bayan ng Lumban at Sta. Cruz sa loob ng 100 taon.
Gayunman, napag-alaman na hindi isang water utility ang IBDC kundi isang realty firm at walang financial at technical expertise upang isagawa ang proyekto.
The post Bise-alkalde sa Majayjay, Laguna 5 iba pa sinibak sa pwesto appeared first on Remate.