Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Oil depot sa Maynila hanggang Enero 2016 na lamang

$
0
0

NAKATAKDA nang lisanin bago pa man matapos ang Enero 2016 ng mga oil company ang nasasakupan nila sa Maynila makaraang ipatupad na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Ordinance 8283 na nagsasaad na dapat nang i-relocate ang mga oil depot sa Pandacan sa Maynila.

Napag-alaman na nilagdaan na ni Estrada ang mga sulat para sa tatlong oil companies kabilang na ang Shell, Petron at Chevron na humihiling na isumite na sa Manila City Hall ang kanilang kumprehensibong plano at schedule para sa kanilang isasagawang relokasyon.

“Pursuant to Sec 2 of Manila Ordinance No. 8283, you have until January 31, 2016 to relocate the oil storage petroleum refinery and related facilities which do not comply with the land use classification of the area as “high intensity commercial/mixed use zone..” bahagi ng sulat na pinirmahan ni Estrada.

Ayon pa kay Estrada, ito ang unang hakbang na ginawa ng lokal na pamahalaan para ipatupad ang ordinansa para ma-monitor ang gagawing aksyon ng mga oil companies.

Layunin ng nabanggit na ordinansa na matiyak ang kaligtasan at maayos na kapaligiran ng mga mamamayan sa Maynila.

The post Oil depot sa Maynila hanggang Enero 2016 na lamang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>