UMAABOT sa 37 dayuhan ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group sa kanilang pagsalakay sa Barangay Merville, Parañaque.
Dinakip ang mga dayuhan dahil sa kanilang modus na telecom fraud.
Gamit ang telepono at Internet, tinatawagan ng 35 Taiwanese at dalawang Chinese ang kanilang mga kababayan sa China para takutin at kikilan.
Oras na masindak ang mga tinatawagan, pinagde-deposit nila ang mga ito sa kanilang secured bank account.
Ipinasa na ng PNP sa Immigration ang mga foreigner na nakatakdang ipa-deport sa Taiwan.
The post 37 alien tiklo sa telecom fraud appeared first on Remate.