ISINAILALIM sa state of emergency ang limang estado sa northeastern America dahil sa snow storm (winter snow Nemo).
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga mamamayan ng Connecticut, Maine, Massachusetts, New York at Rhode Island na maging alerto at manatili muna sa loob ng kanilang tahanan.
Sa ulat sa telebisyon, nabatid na hirap nang makabiyahe sa mga nabanggit na lugar at ibinabala sa mga residente na paghandaan ang power outages.
Sa ngayon, 10,000 kostumer sa East Coast ang walang kuryente at kinansela ang nasa 3,500 flights (papasok at palabas).