MALAMIG na rehas ang hinihimas ngayon ng isang binata matapos mahulihan ng mga marijuana sa tapat ng simbahan sa Caloocan City, Biyernes ng hapon (Pebrero 8).
Nakilala ang suspek na si James Amatorio, 20 ng Saint Simon St., Tala ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, nasita ang suspek sa tapat ng St., Joseph Parish Church.
Nang kapkapan ng mga pulis, nakuha sa suspek ang dalawang plastic sachet ng marijuana na naging dahilan upang bitbitin sa presinto.