Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: Ex- PBA player patay sa banggaan sa SLEX

$
0
0

PATAY ang dalawa katao kabilang ang dating player ng Philippine Basketball Association (PBA) habang sugatan naman ang dalawa pa matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Muntinlupa City kagabi.

Dead-on-arrival sa Parañaque Medical Center ang mga biktimang sina Bryan Gahol, dating PBA player at ang kasama nitong babae na si Rosemarie Calara, nasa hustong gulang, pawang ng 207 Dimasupil St., Barangay Timogan, Los Baños, Laguna, sanhi ng mga pinsala sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod din sa naturang ospital ang mga sugatan na sina Johnny Bansoy at Felix Gonatisie kapwa ng Calintaan, Occidental Mindoro sanhi ng mga sugat at galos sa katawan.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan sa tanggapan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Camp Crame ang mga driver na sina Alfredo Abe, 42, ng Barangay Calintaan, Occidental Mindoro at ang driver ng International Trucktor head (UOS-772) na si  Felix Moztaza, 36, ng Zone 8, Barangay Pangao, Lipa City.

Sa report, alas-10:30 kagabi nang maganap ang insidente sa North bound lane ng naturang highway sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Minamaneho ni Abe ang Isuzu Cargo Jeep (VRB-364) sakay ang 11 katao kabilang ang dalawang nasugatan na sina Bansoy at Gonatisie nang nawalan ng kontrol ang nasabing driver dahil nagkaproblema sa preno kung kaya nabangga ang International Tractor Head na minamaneho naman ni Moztaza na nasa right outer lane naman.

Matapos mabangga ng cargo jeep ang tractor head ay bigla itong kumabig pakaliwa kung saan tinamaan ang paparating na Nissan Urvan (ZFK 893) kung saan nakasakay ang dalawang namatay na sina Gahol at Calara at tatlo pang kasama nito na sina Andro San Pedro; Nixon Sumbello at Jesus Apolinario, pawang taga Los Baños, Laguna na hindi naman nagtamo ng pinsala matapos ang insidente.

Napag-alaman na galing Laguna sina Gahol at mga kasama nito  patungo sanang Commonwealth, Quezon City para dumalo sa isang lamayan.

Bukod sa 11-katao na sakay ng nabatid na cargo jeep ay may mga karga pa itong mga gulay at sibuyas na nagmula pa San Jose, Occidental Mindoro.

Nagdulot naman ng mabigat na trapiko ang naganap na aksidente kung saan umabot pa ang dulo nito sa parte ng Southwoods sa Laguna.

Kabilang sa mga koponan na nilaruan ni Gahol ay sa Barako Bulls, Petron Blaze at Alaska.

Bago pa man pumasok sa PBA si Gahol ay naging kilala na siya sa paglalaro sa ilalim ng UP Fighting Maroons sa UAAP kung saan naging bahagi rin sila ng 1995 RP Youth team at sa PBL sa ilalim ng team na si Dr. J.

Bukod pa rito, noong nakaraang 2013 election ay tumakbong municipal councilor sa bayan ng Los Baños sa Laguna si Gahol pero natalo.

The post UPDATE: Ex- PBA player patay sa banggaan sa SLEX appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>