HUMILING na ng immunity si Ruby Tuason mula sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.
Kinumpirma ito ni Assistant Ombudsman Asryman Rafanan.
Ngunit ayon kay Rafanan, hindi muna inaksyonan ng Ombudsman ang kahilingang immunity ni Tuason dahil niresolba muna nila ang kaso na kasama ang pangalan nito para makita ang liability sa kaso.
Tiniyak niya na masusing pinag-aaralan ng anti-graft body ang hiling ni Tuason, isa sa mga testigo sa pork barrel scam, na huwag na siyang makasama sa mga kakasuhan.
Si Tuason ang sinasabing tulay ni Janet Napoles kina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Magugunitang sa privilege speech ni Estrada ay tinawag niyang sinungaling si Tuason dahil hindi pera kundi meryenda ang dinadala nito sa kanyang tanggapan.
The post ‘Immunity’ hiling ni Ruby Tuason appeared first on Remate.