PATAY ang lalaki matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.
Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Gidion Meralin, 27 ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang barilin ang biktima sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.