Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pista ni San Pedro Calungsod pinaghahandaan na

$
0
0

NAGHANDA ng ilang aktibidad ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko para ipagdiwang ang pista ni San Pedro Calungsod, ang ikalawang Santong Pinoy.

Ayon kay Fr. Ronnie Samaniego, chaplain ng San Pedro Calungsod Chapel sa Bonifacio Global City, Taguig, maliban sa siyam na araw na novena, ay magkakaroon rin ng special screening ng pelikulang “Pedro Calungsod: Batang Martir”  sa Marso 30, sa ganap na 1:00 ng hapon.

Magkakaroon din ng “Palarong Pambata” matapos ang misa ng 3:00 ng hapon upang ipagdiwang ang buhay ni Calungsod habang sa Abril 2 naman ay magkakaroon ng prusisyon ng imahe ni San Pedro Calungsod mula sa lobby ng SM Aura Premiere patungo sa San Pedro Calungsod Chapel.

Isang misa naman ang idaraos ganap na 6:00 ng gabi, na susundan ng “Parangal kay San Pedro Calungsod” concert pagsapit ng 7:00 ng gabi.

Sa mga lalawigan naman, mag-oorganisa ang St. James the Greater parish sa Dapitan City ng blood-letting activity na pinamagatang “Dugong Martir, Dugtong Buhay” bilang pagkilala kay Calungsod sa Marso 31.

Ang Archdiocesan Shrine of St. Francis of Assisi sa Naga, Cebu naman ay idaraos ang selebrasyon sa pamamagitan ng fiesta mass bandang 5pm ng Marso 29, prusisyon ng 6pm at “Barkadahay ni Pedro at the Baywalk” ng 8:00 ng gabi.

Simula naman ngayon buwan, binuhay ng Cebu-based na “Barkada ni Pedro” ang “Tambayan ni Pedro Holy Mass” na regular na gagawin tuwing ikatlong Biyernes ng buwan sa San Pedro Calungsod Youth Center sa Cebu City.

Si Calungsod ay naging ganap na santo matapos na isailalim sa kanonisasyon ni Pope Emeritus Benedict XVI noong Oktubre 21, 2012 matapos mapatunayan ang milagrong nagawa nito matapos mapagaling ang isang na-comatose na babae matapos magdasal sa kanya.

The post Pista ni San Pedro Calungsod pinaghahandaan na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>