Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga ospital, klinika binalaan sa pag-iimbak ng bakuna

$
0
0

PINAYUHAN ng Food and Drugs Administration (FDA) ang malalaking ospital at klinika sa Metro Manila na tiyaking nakasusunod sila sa tamang paraan ng pag-iimbak ng mga bakuna.

Nag-isyu ang FDA ng Advisory 2014-019  matapos matuklasang ilan sa mga malalaking pagamutan at klinika ay bigong sumunod sa vaccine cold chain management.

Batay sa naturang FDA Advisory, mula Disyembre 2-5 ng nakaraang taon ay nagsagawa sila ng inspeksyon sa iba’t ibang ospital at klinika upang makita kung nakakasunod ang mga ito sa cold chain requirements upang matiyak na napapanatili ang mga sensitibong substance na nasa bakuna.

Kabilang sa mga nakitaan ng hindi sapat na pag-aalaga at kaayusan ng FDA monitoring team ay 18 klinika at 4 na malaki at pribadong ospital sa Quezon City, Muntinlupa City at Makati City.

Sa assessment ng mga FDA inspectors, nakita na ang ilang refrigerator ng mga ito ay walang temperature monitoring devices at charts na mahalaga upang makita kung kailangang mag-adjust ng temperatura.

Ang ilang refrigerators naman, bukod sa vaccines ay may lamang pagkain at inumin, kitchen utensils at toothbrush na maaaring makaapekto sa temperatura.

Sinabi ng FDA na karaniwan nilang nakita ang maling pagsasaayos ng mga vaccines at iba pang biological products sa refrigerators ng ilang pinuntahang klinika.

Sa ibang ospital naman, walang nakalagay na probisyon para sa contingency o emergency measures sakaling masira, mabasag o magkaroon ng maling pag-handle sa vaccines.

Ilang ospital ang nakitaan na ang ilang medical practitioners na tinatanggap ang delivery ng vaccines kahit hindi dumaan sa central pharmacy.

Paliwanag ng FDA, ang mga bakuna o vaccines ay sensitibo at maaaring mabawasan ang bias sa oras na ma-expose sa labas ng kinakailangan nitong temperatura.

Nabatid na nakikipag-ugnayan na ang FDA sa mga nasabing ospital at klinika para maitama ang ilang pagkakamali.

Tiniyak rin nito na patuloy sa pag-iikot ang kanilang mga inspektor upang matiyak na ang ibang ospital at klinika ay nakakasunod.

Lahat naman ng pharmaceutical companies ay pinapayuhan na mag-suplay lang ng biological products sa mga drug outlets, klinika at ospital na mayroong refrigerator na may tama at stable na temperatura.

The post Mga ospital, klinika binalaan sa pag-iimbak ng bakuna appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>