BINULAGA ni pinoy GM Oliver Barbosa si super grandmaster Landa Konstantin ng Russia upang patibayin ang pagkapit sa unahan matapos ang ninth at penultimate round ng 19th International Open Grandmaster Chess Tournament 2014 sa India, kagabi.
Nilista ni 27-year old Barbosa ang pinakamalaking upset ng pagpagin nito si No. 3 seed Konstantin (elo 2645) matapos ang 38 moves ng Queen’s Gambit accepted.
“Ang hirap ng laban namin mabuti na lang at nakapasok yung rook ko at nakainan ko siya ng pawn kaya nagkaroon ako ng advantage,” wika ni No. 11 seed Barbosa.
May naitala ng 7 points si Barbosa, (elo 2564) papasok ng 10th at final round kung saan ay kasalo niya sa top spot si ranked No. 7 GM Gujrathi Santosh Vidit (elo 2602) ng India.
Pinayuko ni Vidit ang kababayan niyang si GM S.P. Sethuraman (elo 2578) na umabot sa 98 sulungan ng Caro-Kann.
Sa round 10, hahawakan ni Barbosa ang itim na piyesa kontra kay GM Ziaur Rahman (elo 2486) ng Bangladesh.
Para mapalakas ni Barbosa ang tsansa nitong masungkit ang titulo ay kailangan nitong talunin si Rahman.
“Hindi gaanong mataas ang tie-break points ko kaya pag may pagkakataon eh kukunin ko ‘yung panalo,” ani Barbosa ang pangatlong player sa Pilipinas na nakaabot sa 2600 plus elo rating.
May 6.5 points si No. 19 seed Rahman matapos makatabla kay super GM B. Adhiban (elo 2608) ng host country.
Kaagaw ni Rahman sa third to sixth place sina GMs Abhijit Kente (elo 2439) at Lalith Babu (elo 2585) ng India at Adhiban.
Ka-date naman ni Vidit si Lalith sa last round.
Samantala, hindi na nakaahon sina top seed GM Nigel Short (elo 2674) ng England at ranked No. 2 Sergey Fedorchuk (elo 2647) ng Ukraine dahil nasa pang 14th at 16th place lang sila bitbit ang 5.5 pts.
Sa huling apat na laro ni Barbosa, nakaharap niya ang tatlong super grandmaster.
The post Super GM nayanig kay Barbosa appeared first on Remate.