PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III mamayang alas-4:00 ng hapon ang signing ceremony ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na magpo-promote sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyong Mindanao.
Ang kasunduan ay magsisilbing enactment ng Bangsamoro Basic Law kung saan ang ratipikasyon ay magbibigay-daan para sa isang halalan ng opisyal ng Bangsamoro political entity.
Sa kabilang dako, iba’t ibang aktibidades naman ng pagkakaisa ang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Sa katunayan, sa Cotabato City, ay may nagaganap na peace rally sa Sharif Kabunsuan Cultural Complex na susundan naman ng live concert.
Ang ‘Peace-tahan’ Festival ay nagaganap naman sa ARMM.
Sa Marawi City, daan-daang katao ang nagpartisipa sa prayer rally para magdiwang ng peace accord, habang sa Sultan Kudarat naman ay ang MILF forces ay nagsasagawa ng pagdiriwang sa Camp Darapanan at sa iba pang venue.
Ang lokal na pamahalaan naman ng General Santos at Buluan, Maguindanao ay nagsasagawa ng ‘kanduli’ o thanksgiving feast.
Ang mga residente ng General Santos ay nakatakdang saksihan ang signing ceremony via live streaming sa isang covered court.
The post CAB signing ceremony mamayang alas-4 ng hapon appeared first on Remate.