IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon na patulan ang panawagan ng isang mambabatas na tulungan ang mga kandidatong maliit lamang ang budget na gagamitin sa pangangampanya.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hands off ang gobyerno sa usaping ito dahil mandato ng komisyon ang tiyakin na bigyan ng patas na laban ang mga mayayaman at mahihirap na kandidato na sasabak sa mid-term elections.
“That will be up to the COMELEC to answer.Mandato ng Cemelec is to give equal space and time. So bahala sila kung papaano nila gagawan ng paraan and in the first place,” ani Valte.
Sa ulat, ipinanukala ni Senator Alan Peter Cayetano sa Comelec na tulungan nito ang ibang kandidato na may lesser budget pagdating sa pangangampanya.