NAKIISA ang Malakanyang sa pagdiriwang ngayon ng mga tsinoy ng kanilang Chinese New Year.
“Happy Chinese New Year po at sana’y mas maging mayabong po ang ating 2013,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Ani Valte, si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda dapat ang nagbigay ng pagbati dahil may dugo itong Tsino.
“Nakalimutan kong magpa-coach kung papaano batiin ‘yung ating mga kababayan in Chinese. So Happy Chinese New Year po sa lahat,” anito.